ni Sophia Elaine Turalde
Mabait. Matalino. Matiyaga. Huwaran
Iyan si John Paul L. Silverio o mas kilala sa tawag naming Mr. Silverio. Siya ang aming guro sa “CL/VE;” 23 taong gulang. Siya ay ipinanganak sa noong ika-6 ng Pebrero sa taong 1989 sa Sapang Palay.
Buhay Mag-aaral
Noong siya’y nag-aaral pa, lagi raw siyang nag-iisa. Kaya naman, ang tingin sa kanya ng mga kanyang kaklase ay tahimik, masungit, at napakabait. Ngunit, kung makikilala mo raw siya, isa siyang makulit, kalog at seryosong klase ng tao.
Sa kabila ng pagiging mapag-isa, may itinatagong talento pala itong si Mr. Silverio sa pagsusulat. Siya ay nanalo ng unang gantimpala sa CSANPRISA at ikatlong gantimpala naman sa BULPRISA. Naging editor-in-chief siya sa loob ng tatlong taon. Si Mr. Silverio ay nagtapos ng kolehiyo sa Siena College of San Jose.
Pangarap sa Buhay
Noong una, pangarap ni Mr. Silverio na maging pari, ngunit nagbago ang kanyang isip at gusto niya naman mag-Mass Communication. Sa dalawang pangarap na ito, walang natupad sapagkat naging guro siya, pero kahit 'di niya inaasahan, naging masaya pa rin naman siya.
“I have the strength in everything through Him who empowers me,” iyan ang motto ni Mr. Silverio sa buhay.
Lahat ng guro ay kailangan nating irespeto. Dahil kung hindi rin naman dahil sa kanila ay hindi tayo matututong magsulat, magbilang, magbasa at, higit sa lahat, ng magandang asal.