Si Kabayan
ni Ralph P. Abes
Bawat paaralan ay may mga guro, mag-aaral, directress o director, prinsipal, nars, librarian, mga tagaluto sa canteen, at hindi maaaring mawala ang mga matatapang, istrikto, mababait, masisipag, at palakaibigang guwardya.
Unang pagtatagpo
Noong Agosto ng nakaraang taon ko unang nakilala si Ginoong Demetrio Nanit o mas kilala sa aming paaralan bilang Mr. Nanit. Hindi pa kami malapit sa isa’t isa, ngunit ang aking ina ang naging daan upang magkakilala kami.
Nag-aaral din ang aking ina sa dating pinapasukan ni Mr. Nanit, sa School of Saint Anthony (SSA) sa Lagro. Kaya sila nagkakilala dahil, palihim na nagpupuslit ang aking ina ng mga paninda upang itinda sa kanyang mga kamag-aral at sa kanyang mga guro.
Nagsimulang magtrabaho si Mr. Nanit sa SSA noong ika-27 ng Hunyo taong 1990 at umalis noong ika-4 ng Abril taong 2011. Sa kanyang pag-alis, siya nama’y lumipat sa College of Saint Anthony (CSA), ang aming paaralan, noong ika-8 ng Nobyembre taong 2011.
Buhay sa labas ng paaralan
Si Mr. Nanit ay isinilang noong ika-27 ng Agosto taong 1962. Anak siya nina Ginoong Chrispin Nanit at Ginang Constancia Marana Nanit.
Sa kanyang pag-aaral sa St. Claire Academy sa Liyan, Batangas, hindi niya lubusang akalaing makikilala niya rin dito ang kanyang magiging kabiyak ng puso na si Josefina Guda.
Nag-isang dibdib sila at nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng dalawang lalaki: sina John Carlo Nanit, panganay, at John Paulo Nanit, pangalawa. Nag-ampon din ang ubod ng bait na si Mr. Nanit ng isang batang babae, si Nina Antonette Guda.
“A man without a dream is like a ship without destination.” Paboritong kasabihan ni Mr. Nanit na ibinahagi niya sa amin.
Tinanong ko si Mr. Nanit kung siya ba’y masaya sa CSA at ang kanyang tugon ay, ‘’Yes ! I’m very happy. I’m happy to stay here at CSA. I’m proud to work here at College of Saint Anthony.”
Bawat paaralan ay hindi mabubuo kung ito’y magkukulang ng kahit isang tao lamang. Sana lang ay igalang at irespeto natin ang bawat isa upang maging matatag ang paaralan ang mga taong bumubuo rito.
*** Output ito sa Kwenpalihan Club (College of Saint Anthony) sa ilalim ni Ginoong Dave Calpito. Ugaliing bisitahin ang kwenpalihan.blogspot.com para mabasa ang ilan pang mga malikhaing akda ng mga Anthonian.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento