Ang Aking
Ina, Ang Aking Bayani
Ni Sophia Elaine Turalde
* Ang sulating ito ay resulta ng isinagawang palihan sa College of Saint Anthony sa ilalim ng KwenPalihan.
Mapagmahal,
maalalahanin at mapag-aruga.
Ganyan ko maisasalarawan ang aking ina.
Siya ang nagbigay ng buhay at kulay sa akin. Siya ang kaibigan ko. Siya ang aking
unang guro.
Marahil, ganyan din ninyo mailalarawan ang inyong mga ina. Ang aking ina ay itinuturing kong guro,
kaibigan at siyempre pa magulang. Batid kong nang ako’y ipinanganak, siya ay
lubo snaghirap. At, hanggang ngayon ay batid ko ang sakripisyong ginagawa niya para
sa akin.
“Di baleng
hindi ka matalino, basta magkaroon ka ng respeto sa kapwa mo,” minsan nang nasabi
iyan ng aking ina at alam kong tama siya. Dahil ang iba, matatalino nga, wala
namang respeto.
Aking
ina, aking bayani.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento