Miyerkules, Enero 23, 2013

Analisis Hinggil sa Aklat na “The Siamese Theater”


            Unang malinaw na usaping mahuhugot mula sa librong The Siamese Theater ay ang isyu ng sekularisasyon ng ilang mga anyo ng “Siamese Theater” mula sa kanilang pinaniniwalaang orihinal o pinag-ugatang anyo. Gaya na lamang halimbawa sa kaso ng like na itinuturing na parodiya ng lagor, kung saan pinasukan na nga ang anyong ito ng Siamese Theater ng ilang katatawanan. Gayundin naman ang hun krabawk na kalauna'y mas itinuturing nang mas popular kaysa sa orihinal na anyo nito, ang hun. Ang nang talung naman ay sumibol mula sa orihinal nitong anyo na nang, at naging mas popular ding anyo.

Tila laging kaakibat naman yata ng pagbabago ng panahon ang ebolusyon rin ng iba't ibang anyo ng sining, partikular na nga sa teatro na siyang tuon ng analisis na ito. Pinatutunayan ito ng mga nabanggit sa itaas na halimbawa ng ebolusyon ng mga anyong ito ng teatro mula sa kanilang orihinal na anyo. Maraming maaaring pag-ugatan ang ganitong akto ng sekularisasyon, ilang malinaw na mga dahilan ay ang aspetong pulitikal, sosyo-ekonomikal sa partikular na lugar na kumukupkop sa naturang mga anyo ng dula—bagay na hindi maitatanggi.

            Isa pang malinaw na isyu ay hinggil sa usapin ng kawalan ng pagpapahalaga sa mga kababaihan sa ilang anyo ng Siamese Theater, na malinaw namang makikita sa dulang khon. Kung saan, isang malinaw na batas ng naturang dula na nababanggit ng libro ang hindi pagpayag sa kababaihan upang magtanghal sa khon, at kahit pa man ang mga babaeng “roles” ay kinukuha pa ng mga lalaking aktor.

Usapin ng Relihiyon

         Maipapasok rin dito ang usapin ng relihiyon, partikular na nga ang Hinduismo. Malakas ang kaugnayan ng relihiyon sa pag-iral ng karamihan sa mga anyo ng Siamese Theater. Katunayan, puwedeng  ang institusyong ito ang dahilan ng patuloy na pag-iral ng ilang anyo ng dula sa Siam, sapagkat may malakas itong hatak sa lipunan. Sa partikular na seting na lamang ng Pilipinas, malaki at integral pa ngang maituturing ang bahaging ginagampanan ng relihiyon o simbahan sa pananatili ng isang partikular na dula, kagaya nga ng senakulo at komedya.

Ideya ng Interculturalism at Multiculturalism

            Samantala, ang ideya ng interculturalism at multiculturalism ay malinaw ring makakatas mula sa pagbabasa ng naturang libro. Ang interculturalism ay maaaring pumasok sa akto ng paggamit ng karamihang anyo ng Siamese Theater sa epikong Ramayana, nakaugat ang kanilang pagtatanghal sa kuwento ng epikong Ramayana. Sa kabilang banda, masasabing aplikable ang multiculturalism, sa kadahilanang binubuo ng iba't ibang anyo ang Siamese Theater, na may iba't iba ring pagsasakonteksto o pagsasakatutubo sa naturang mga dula sa iba't ibang lugar sa Siam o ngayo'y Thailand.

Usapin ng Marginalization

            Hindi rin naman mawawala ang usapin ng “marginalization” sa ibang mga anyo ng Siamese Theater—kung saan, litaw ang hirarkiya ng mga anyo ng dula batay na nga rin sa ilang institusyon sa lipunan na nagpapasya kung ano ang maganda sa kanilang paningin at kung ano ang hindi maganda.  Ang hun na lamang halimbawa, puppet theater, ay isa sa biktima ng akto ng marginalization sa naturang lugar.

            Panghuling punto, mahalaga ring mabanggit na nakabase ang pagkakahon sa “Theater of Siam” sa limang anyo sa komentaryo ng King Rama VI ng Siam, na maaaring mapaghugutan pa ng isang mahalagang usapin—na malaki nga ang epekto ng ilang institusyon o maimpluwensiyang tao sa pagkakategorya sa mga anyo ng dula ng Siam. #

Note: Ang papel na ito ay gawa ni LOREEN DAVE CALPITO, ang moderator ngayon ng KwenPalihan sa CSA, noong siya'y nasa kolehiyo pa lamang--sa kanyang Theater 162.

Martes, Nobyembre 13, 2012


Siya ba iyon?
 Andyan na ang pabida
     Uy! Yung konyo-konyohan parating na!
    Magbigay daan kayo sa hari
     Tumabi kayo!                                        Magbigay pugay!
     Lumuhod tayo!                                                    Yumuko tayo!
     Magbigay galang!         SENTRO          Ay! Si “feeler!”
 
      Pilingero!                                 Epal!    Tama!  
            ‘Wag kayong ganyan. Hindi ginaganyan ang hari!
    Puro salta lang naman ’yan eh!
  Wala ‚yang binatbat sa lolo ko.
    Okey na. Wala nang Hangin. 

* Ito ay gawa ni Ralph Abes.

Lunes, Nobyembre 12, 2012


  u          hangin.
  s                       makina.
  o        pabrika.
  k                 Nagkakasakit na
  .                            Si Nene.
 
          “Naku, ang dumi ng
               paligid!“
 
*Ito ay isang tula gawa ni Carlos Cesar D.C. Feliciano, Grade 5 - Obedience.

Huwebes, Oktubre 4, 2012

Huwarang Guro

ni Sophia Elaine Turalde

Mabait. Matalino. Matiyaga. Huwaran

Iyan si John Paul L. Silverio o mas kilala sa tawag naming Mr. Silverio. Siya ang aming guro sa “CL/VE;” 23 taong gulang. Siya ay ipinanganak sa noong ika-6 ng Pebrero sa taong 1989 sa Sapang Palay.

Buhay Mag-aaral

 Noong siya’y nag-aaral pa, lagi raw siyang nag-iisa. Kaya naman, ang tingin sa kanya ng mga kanyang kaklase ay tahimik, masungit, at napakabait. Ngunit, kung makikilala mo raw siya, isa siyang makulit, kalog at seryosong klase ng tao.

Sa kabila ng pagiging mapag-isa, may itinatagong talento pala itong si Mr. Silverio sa pagsusulat. Siya ay nanalo ng unang gantimpala sa CSANPRISA at ikatlong gantimpala naman sa BULPRISA. Naging editor-in-chief  siya sa loob ng tatlong taon. Si Mr. Silverio ay nagtapos ng kolehiyo sa Siena College of San Jose.

Pangarap sa Buhay

Noong una, pangarap ni Mr. Silverio na maging pari, ngunit nagbago ang kanyang isip at gusto niya naman mag-Mass Communication. Sa dalawang pangarap na ito, walang natupad sapagkat naging guro siya, pero kahit 'di niya inaasahan, naging masaya pa rin naman siya.

I have the strength in everything through Him who empowers me,” iyan ang motto ni Mr. Silverio sa buhay.

Lahat ng guro ay kailangan nating irespeto. Dahil kung hindi rin naman dahil sa kanila ay hindi tayo matututong magsulat, magbilang, magbasa at, higit sa lahat, ng magandang asal.

Sabado, Setyembre 22, 2012

Buhay ng Estudyante:Buhay ng Lahat

Buhay ng Estudyante:Buhay ng Lahat
ni G. Ruth P. Briones

Buhay ng estudyante.
Pinapaikut-ikot ang laman ng sanaysay para lang humaba.
Gumagamit ng mabubulaklak na salita para magmukhang matalino.
Mahilig sa cramming. Hindi gagawin sa una pero gagawin din sa huli.

Buhay ng lahat.
Pinupuri ang iba para tumagal ang relasyon.
Nambobola para gumanda ang impresyon.
Mahilig din mag-cramming. Ayaw manakit sa una kaya namamlastik. Pero sasaktan ka rin sa huli.

Maging simple; maging totoo.
Mga estudyante, lahat ng tao,
maging simple, maging totoo.

Huwebes, Agosto 16, 2012

Si Kabayan
ni Ralph P. Abes


Bawat paaralan ay may mga guro, mag-aaral, directress o director, prinsipal, nars, librarian, mga tagaluto sa canteen, at hindi maaaring mawala ang mga matatapang, istrikto, mababait, masisipag, at palakaibigang guwardya.

Unang pagtatagpo

Noong Agosto ng nakaraang taon ko unang nakilala si Ginoong Demetrio Nanit o mas kilala sa aming paaralan bilang Mr. Nanit. Hindi pa kami malapit sa isa’t isa, ngunit ang aking ina ang naging daan upang magkakilala kami.

Nag-aaral din ang aking ina sa dating pinapasukan ni Mr. Nanit, sa School of Saint Anthony (SSA) sa Lagro. Kaya sila nagkakilala dahil, palihim na nagpupuslit ang aking ina ng mga paninda upang itinda sa kanyang mga kamag-aral at sa kanyang mga guro.

Nagsimulang magtrabaho si Mr. Nanit sa SSA noong ika-27 ng Hunyo taong 1990 at umalis noong ika-4 ng Abril taong 2011. Sa kanyang pag-alis, siya nama’y lumipat sa College of Saint Anthony (CSA), ang aming paaralan, noong ika-8 ng Nobyembre taong 2011.

Buhay sa labas ng paaralan

Si Mr. Nanit ay isinilang noong ika-27 ng Agosto taong 1962. Anak siya nina Ginoong Chrispin Nanit at Ginang Constancia Marana Nanit.

Sa kanyang pag-aaral sa St. Claire Academy sa Liyan, Batangas, hindi niya lubusang akalaing makikilala niya rin dito ang kanyang magiging kabiyak ng puso na si Josefina Guda.

Nag-isang dibdib sila at nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng dalawang lalaki: sina John Carlo Nanit, panganay, at John Paulo Nanit, pangalawa. Nag-ampon din ang ubod ng bait na si Mr. Nanit ng isang batang babae, si Nina Antonette Guda.

A man without a dream is like a ship without destination.” Paboritong kasabihan ni Mr. Nanit na ibinahagi niya sa amin.

Tinanong ko si Mr. Nanit kung siya ba’y masaya sa CSA at ang kanyang tugon ay, ‘’Yes ! I’m very happy. I’m happy to stay here at CSA. I’m proud to work here at College of Saint Anthony.” 

Bawat paaralan ay hindi mabubuo kung ito’y magkukulang ng kahit isang tao lamang. Sana lang ay igalang at irespeto natin ang bawat isa upang maging matatag ang paaralan ang mga taong bumubuo rito.


*** Output ito sa Kwenpalihan Club (College of Saint Anthony) sa ilalim ni Ginoong Dave Calpito. Ugaliing bisitahin ang kwenpalihan.blogspot.com para mabasa ang ilan pang mga malikhaing akda ng mga Anthonian.

Miyerkules, Hulyo 25, 2012


Ang Aking Ina, Ang Aking Bayani
Ni Sophia Elaine Turalde
* Ang sulating ito ay resulta ng isinagawang palihan sa College of Saint Anthony sa ilalim ng KwenPalihan.

Mapagmahal, maalalahanin at mapag-aruga.

Ganyan ko maisasalarawan ang aking ina. Siya ang nagbigay ng buhay at kulay sa akin. Siya ang kaibigan ko. Siya ang aking unang guro.

Marahil, ganyan din ninyo mailalarawan ang inyong mga ina. Ang aking ina ay itinuturing kong guro, kaibigan at siyempre pa magulang. Batid kong nang ako’y ipinanganak, siya ay lubo snaghirap. At, hanggang ngayon ay batid ko ang sakripisyong ginagawa niya para sa akin.

 “Di baleng hindi ka matalino, basta magkaroon ka ng respeto sa kapwa mo,” minsan nang nasabi iyan ng aking ina at alam kong tama siya. Dahil ang iba, matatalino nga, wala namang respeto.

Aking ina, aking bayani.