Ang Nakabubuti
Ni Micah M. Rimando
“Sa bundok ng masaganang lupain, kung saan
mistulang dugo ang buhangin
Sa ilalim ng lupang mala-balon ang lalim,
nakatanim ang lunas ng karamdamang madilim.”
Pawis na pawis si Sultan Felipe nang mamulat
mula sa mahimbing na pagtulog. Ito ang mga linyang narinig niya mula sa isang
mala-anghel na tinig na nagbigay sa kanya ng bisyon kung saan matatagpuan ang
lunas ng kakaibang karamdaman ng kanyang mga ka-tribo.
“Magandang umaga Sultan Felipe! Bakit ang aga
mo yatang nagising?” ani Isabella na naghahanda ng pang-umagahan.
“Ikinagagalak kong mayroong panaginip na
tumatak sa aking isipan. Mukhang alam ko na kung saan mahahanap ang lunas ng
sakit ng ating mga ka-tribo. Kailangan kong umalis sa lalong-madaling panahon
upang maagapan ang karamdaman nila,” masayang winika ni Sultan Felipe.
“Ngunit, natitiyak mo ba kung mahahanap mo
ang nasabing lunas sa lugar na pupuntahan mo? Saan nga ba patungo ang Sultan?”
sabi ni Isabellang may bahid ng kunot sa ulo.
“Palagay ko ay sa Bundok Kana matatagpuan ang
lunas, dahil tulad ng nakita ko sa aking bisyon ay mapula at mataba ang lupa
roon,” ani Sultan Felipe.
“Sige. Kung iyon ang nakabubuti para sa mga
tribo, papayagan kitang maglakbay,” nakangiting iwinika ni Isabella
Natapos nang mag-umagahan si Sultan Felipe at
ang kanyang pamilya. Ipinahanda na rin ni Isabella ang limpak-limpak na baon,
malalakas na kabayo, at tatlong alipin para sa mahaba-habang paglalakbay.
“Handa na kami sa pag-alis. Asahan
niyong iuuwi ko ang lunas para sa tribo. Paalam Isabella at Luna!” sabi ng
masiglang si Sultan Felipe habang nakasakay sa kabayo.
Halu-halo ang emosyon ng mag-ina habang
kumakaway sina Sultan Felipe.
Ilang ilog, bundok, at bayan din ang
kinailangan nilang tawirin bago makarating sa paanan ng bundok.
Nabanat at bumigay na ang kanilang mga
katawan. Hindi na nila kayang magpatuloy
pa. Nag-pahinga muna sila sa ilalim ng Ipil-Ipil at hinintay ang
bukang-liwayway. Bumagsak agad ang kanilang mga katawan sa sobrang pagod. Ang
malamig na simoy ng hangin ang nagpahimbing sa tulog nila. Malakas din ang
hampas ng hangin kaya’t halos magwagayway na ang mga puno.
“Baaang!”
Bumagsak ang puno ng Ipil-ipil at agad na
napasigaw si Sultan Felipe at ang mga alipin.
“Araaay! Ang Sakit! Tulungan niyo ako!” sigaw
ni Sultan Felipe na humahagulgol sa sobrang sakit ng natamo niya.
Naputol ang hintuturong daliri sa kaliwang kamay
ni Sultan Felipe dahil sa matalim na sanga ng bumagsak na puno. Malakas ang
tulo ng dugo nito at dahil dito ay nawalan ng malay ang sultan. Agad namang
niliinisan at tinapalan ng telang pinunit mula sa damit ang sugat niya ng
kanyang mga alipin.
“Aray!” pasigaw na sinabi ni Sultan Felipe sa
kanyang pag-gising.
“Mahal ko pong sultan, nalinisan na po namin
ang inyong sugat. Maaring kumain muna kayo upang bumalik ang inyong lakas,” ani
Custodio.
“Sige. Ngunit, paano nalaglag ang puno,
gayong mukha naman itong matibay?” nagtatakang winika ni Sultan Felipe.
“Hindi po namin alam. Pero, ang sa
tingin ko po ay nakabubuti iyan,” nakangiting sinabi ni Custodio.
“Isa kang Hangal! Mabuti bang maputulan ng
daliri?!” ani Sultan Felipe na nag-iinit sa galit.
Agad na inutusan ni Sultan Felipe ang dalawa
pang alipin na bantayan siyang mabuti at dalhin pauwi sa kanilang tribo upang
ipa-kulong. Napag-isip-isip niya na baka may kinalaman si Custodio sa
pag-bagsak ng puno na siyang nagdulot ng pagkaputol ng kanyang daliri. Nagpasya
siyang lumisan na at magpatuloy ng mag-isa sa paghahanap ng lunas sa matarik at
nakakatakot na bundok.
“Pssst!”
Isang kagimbal-gimbal na tunog ang narinig
niya habang siya ay naglalakbay sa madilim na gubat na siyang ikinagulat niya.
Napatingin siya sa iba’t-ibang direksyon. Ang isip niya ay natataranta at
nanginginig siya sa sobrang takot habang pinapalo ang kanyang kabayo para
bumilis. Pero bigla siyang napahinto.
“Araaay!” sigaw ni Sultan Felipe
Biglang nangdilim ang kanyang paningin at
umikot ang kanyang mga mata. Unti-unti siyang nawalan ng malay at hindi na niya
namalayang nalaglag siya mula sa kabayo. Natamaan siya ng sumpit na may lasong
nagdudulot ng pagka-antok. Agad siyang nilapitan ng mga taong kakaiba ang
itsura. Inangat siya at binuhat papunta sa isang malaking kweba.
“Panginoong Kudarat, inaalay namin sa iyo ang
taong ito bilang pasasalamat!”
Nagising na siya at pinipigilan niyang buksan
ang kanyang mga mata. Naririnig niya ang mala-orasyong pagdarasal ng mga taong
ito na may kakaibang relihiyon at diyos. Nararamdaman din niyang maraming tao
ang nakapaligid sa kanya. Pawis na pawis siya at nanginginig sa kabang ipiprito
siya ng mga ito. Gusto niyang tumakas ngunit sakal na sakal siya sa mahigpit na
lubid na nakapalupot sa buong katawan niya. Nagdadasal siya ng mataimtim sa
kanyang isipan.
“Sindihan na ninyo ang apoy!” malakas na
sinigaw ng pinuno nila habang nagsisigawan ang tao sa paligid na bakas ang
labis na aliw.
Sa puntong ito ay hindi na niya magalaw ang
kanyang katawan. Hindi na siya makapag-isip. Malakas ang kalabog ng kanyang
dibdib sa sobrang kabang maluto ng buhay sa nagbabagang apoy. Sinindihan na ang
apoy. Nagsimula sa maliit na apoy ang pagsindi at unti-unting lumalaki habang
tumatagal. Ramdam niya na ang init at hapdi. Napaso na ang katawan niya.
“Itigil niyo iyan! Hindi natin siya maaring
ialay kay Kudarat sapagkat hindi kumpleto ang kanyang katawan. Hindi buo ang
isa niyang daliri. Huwag niyo iyang ituloy kung ayaw niyong magdulot ito ng
sayad sa ating kapalaran!” wika ng isa sa mga nakiki-nuod sa pag-aalay.
Agad siyang binuhusan ng malamig na tubig na
siyang nagdulot ng mas matinding sakit sa kanyang balat. Ipinatapon siya ng mga
ito sa ilog sa pagiisip na wala na siyang kwenta. Nanghihina pa siya ng mga
oras na iyon. Pinilit niyang humawak sa isang bato. Kumapit siya dito at
unti-unti siyang naka alis sa ilog. Ngunit, nang nakalayo na siya sa ilog ay
bigla siyang hinimatay.
“Isabella?” ani Sultan Felipe na kakagising
lang mula sa mahabang tulog.
“Mahal kong Sultan, buti at nagising ka na!
Matagal ka nang hindi bumabalik kaya’t nagpadala ako ng mga alipin upang
hanapin ka. Nahanap ka nila malapit sa ilog na may mga sunog at sugat sa buong
katawan. Buti at hindi ka nabawian ng buhay!” sabi ni Isabella na may bakas ng
pag-aalala para sakanya.
“Binihag ako ng isang tribo at tinangka
nilang i-alay ako sa kanilang diyos. Buti at hindi ito natuloy dahil hindi ako
karapat-dapat ukol sa kanilang kwalipikasyon bilang alay. Malaki ang naitulong
ng putol kong daliri! Ay! Ipagpaumanhin mo ako at may kailangan akong
puntahan,” wika ni Sultan Felipe.
Biglang tumayo si Sultan Felipe kahit mahina
pa ang kanyang katawan. Tumakbo siya patungo sa kulungan. Pumunta siya sa silid
ni Custodio.
“Custodio! Maraming Salamat! Tutuo ngang
nakabubuti ang pagka-putol ng aking daliri! Kung hindi na putol ang aking
daliri ay naluto na ako ng buhay ng kakaibang tribo na nasalubong ko na
nagaalay ng kumpletong katawan ng tao! Malaki ang aking pagsisisi ko na pinakulong
kita. Patawarin mo ako,” sabi ni Sultan Felipe
“Ngunit, nakabubuti rin po ang pagpapakulong
niyo sa akin. Pinasasalamatan ko kayo at iniligtas niyo ang aking buhay ! Kung
hindi niyo kami pinauwi ay malamang kami ang naprito ng buhay dahil sa kumpleto
naming katawan. Maraming Salamat po!” wika ni Custodio na abot langit ang ngiti
sa sobrang galak.
“Ngunit, ikinalulungkot ko na hindi ko naman
nahanap ang lunas tulad ng ipinangako ko. Hindi ko pa rin naligtas ang aking
bayan! At higit sa lahat ay namatay ang aking kaisa-isang anak na si Luna ng di
ko man lang nasabihan ng paalam. Nadapuan na rin siya ng sakit nang umalis tayo
at hindi ko man lang ito agad nalaman!” ani Sultan Felipe na hindi na napigilan
ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata.
“Nakikiramay po ako sa pagkamatay ng inyong
anak. Wag po kayong mawalan ng pag-asa. Lahat ay nangyayari para sa
nakabubuti,” sabi ng alipin.
Patuloy na naghanap ng lunas ang sultan.
Dumating na ang araw ng libing ng kanyang anak, at hindi pa rin niya ito
nahahanap.
Pumunta sila sa kabilang bayan , ang bundok
ng Lila kung saan ang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka. Ito ang hinabiling
lugar ni Luna bago siya mamatay kung saan gusto niya daw ma-ilibing sa
pagpanaw.
Malakas ang hinagpis at iyak ng mga kaanak ni
Luna. Hindi nila matanggap ang pagkamatay ni Luna.
“Pwede na po ba ang ganito kalalim?” ani
Custodio na naghuhukay para sa paglilibingan ni Luna.
“Mag hukay pa kayo” wika ng sultan na
umiiyak.
“Mahal na Sultan! Mayroong banga dito!
Tingnan niyo po!” sigaw ng alipin na nakahukay na ng sobrang lalim.
“Buksan mo ang banga. Tingnan mo kung ano ang
laman,” ani Sultan Felipe.
Binuksan ng alipin ang banga. Nasilaw ang mga
nakikiramay sa libing sa pagsikat ng banga. May laman itong Tubig na kasing
ningning ng bituin.
Nagulat ang mga nakikiramay ng marinig ang
isang tinig na kumakanta ng isang linya na tulad ng narinig ni Sultan Felipe sa
kanyang panaginip noon.
“Aha! Nakabubuti nga!”sigaw ni Sultan Felipe
na abot tainga ang ngiti.
* Ito ay proyekto ni Micah sa Filipino III sa College of Saint Anthony.